Lunes, Hunyo 29, 2015

what do you want you to be someday as a Person






a bit review sa theology
hindi mo pa alam kung sino ka? aba'y malala tao ka! tangers joke joke..
note: "kung paano mo gustong pairalin ang sarili mo ay siyang kung paano mo pakikitunguhan ang ibang tao"
alamin mo kung ano ang pwedeng ikaw naman talaga <---
gets? edi wow! :)

know who you are and who you want to be

  Minsan ang tao ay parang tubig na nasa container ..minsan for you to be accepted in the society you must try to be fit in their environment..ganon nga ba talaga tayo?... at ang tubig ay sumusunod lamang sa hugis ng isang container parang anak sa magulang?..so you want to be mold by your parents as you grow up? do what they want you to be?..yes?"because mother know's best" at Oo walang magulang ang gusto tayong mapasama and they are trying to make as Good as like an Angel .(pero paano yung mga nakikita natin mismo sa TV? children that are being mocked and being beaten like an egg by their own parent .. so are they gonna be as what they see and taught by their wicked parents? sunud sunuran?ay gaya gaya ang peg? generation ng mga magnanakaw at nasa genes ang paninikil ng tao at pang gagancho?) hell no! may pag asa ka pang magbago no kung gugustuhin mo lang

know what is wrong and what is right for you

 my other point is that we as a human being have the capacity to think and able to know what is wrong and what is right and as we grow up parents will only guide as to live and understand this world"not really only to Survive but to strive hard"  maybe, but tandaan mo "you own yourself" kung alam mong mali edi huwag mong tularan ,kung ayaw mo huwag mong gawin at oo kailangan mong tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang dahil ipinalaki nila tayo at inilagaan hanggang tayo ay mailuwal sa mundo,but to be molded like this watermelon ..yan ba talaga ang dahilan ng pag iral mo?hal.nakalaan na talaga sayo ang pagiging doctor bago ka pa man umiral sa mundo? paninipula kahit ayaw mo?susundin mo parin ang magulang mo?  basta "you own yourself nga diba. bahala ka!




my other point is alam mo lang dapat ang i ti-take mo at hindi. tutal i think naman na  "you know what is best for you" diba? and i personally think na maiintindihan ka ng mga magulang mo and i believe " hindi ka magtatagal sa bagay o propesyong ayaw mo naman talaga" if it is about money over passion .. ibang usapan na yan pero base parin yan sa magiging desisyon ng tao kung saan siya mag dedepende mula sa sitwasyon. <---- review lang yan sa theology kung baga introduction palang yan haha)

~~~~~~~~

  but first i want to talk about YOU as person . mula sa mga nauna kong post ang sabi ko we don't actually know who we really are in this world and the questions "who am i?" "who are you ba?" sapat na ba na basehan na tayo ay tao na umiiral ?nakakapag isip? to suffer from sin to learned to know to negotiate ect. etc.. but why? tanong sa mga tanong ,sagot na may uusbong na panibagong tanong .click this for further explanation ---> http://elfelicitydiary.blogspot.com/2015/06/who-am-igreatest-philosophical-question.html

~~~~~~~

co-existence / at pakikipagkapwa


self is the "I' conscious of itself, present to itself

presence to itself entails also presence to other

this relatedness of the self to the other is characterized by tension =disequilibrium , disharmony, incoherence

sa pakikipag kapwa iba-iba ang ating nakakaharap at....

(alam niyo na ang sagot diyan masyado na kayo maswerte kung didiscuss ko pa ito ,....haha see and approach me personally na lang..hindi naman talaga ako bihasa sa philosophy marunong lang umintindi ng konti and nag lelecture ..pero hindi ko na pina pa captured ang notes ko ah kasi wala kayong maiintindihan. hints and clues na tanging ako lang ang makakaalam anyway mga magagaling naman kasi kayo so  the real reason why i keep on updating this site about what i've learned in philosophy is wala lang aha joke!( nahalata ko lang napapa english ako ngayon ah ?)tss.wrong Grammar ba? so what! che! hahah so yung rason nga is nakakapag review ako ng tama kasi nga na i sa summarize ko dito yung pinag aralan ko...for those who knew me ..alam mo naman na hindi ako nag lelecture last year .walang notebook walang ballpen kung meron man akong notes ay dahil yun sa serox copy na notes kay Gido ahah  kilala niyo? at kung may ballpen , hiram hiram lang sa mababait ang puso pero makakalimutin haha so natuto na ako ) ang daldal ko no? e gusto ko mag dal dal dito e pakelam mo ba eh wala ka naman din pake alam dito..joke lang!.. alam ko naman na walang makakabasa nito if ever lang ng may makabasa

so next ko na i a-update yung co existence ..


Linggo, Hunyo 28, 2015

What is Experienced? / what are the 5 senses?

5 senses of the Human body

lecture

Philosophy- is an activity rooted in lived experiences

Experience- is the life of the self;dynamic inter-relation of self and other,be it things ,human beings,the environment,the world,grasp not objectively but from within.

Experienced through 5 senses

  Kung wala kang katawan wala kang matutuklasan o malalaman at sa madaling salita walang maniniwala sayo dahil hindi ka nag e-exist. Dahil ang tao ay may katawan at may limang bagay na nagagawa o senses upang maka alam at matukoy natin ang isang bagay .halimbawa sa pandinig malalaman mo ito'y busina ng kotse dahil naririnig mo ito at naranasan mo ng makita ito gamit ang paningin. Ang panlasa natin malalaman natin itoy maalat kapag naranasan na natin itong tikman at kainin .maaari naman na itong malaman kung matamis dahil maaamoy natin ang aroma nito .at ang panlasa at pang amoy ay konektado dahil tuwing wala kang malasahan ay maaring may sipon ka o hindi ka nakaka amoy.at ang kakayahang makadama ay tumutulong sa atin upang malaman na ang isang bagay ay makinis ,magaspang, mainit ,malamig at kasama na ang mga emotional na pandama o abstract.

At mula sa mga 5 senses na ito nalalaman natin na ang mga bagay bagay ay umiiral dahil nararanasan natin ito.

At halimbawa kung nakita mo ang isang mangga alam mo na kaagad ang maaaring maging lasa nito dahil naranasan mo ng matikman ito which means that experience has been recorded.

and "Because of body knowing becomes possibility"



At dahil tao tayo na may kakayahang mag isip at may kakayahang mag tanong kaya minsan we tend look for an answer and gusto nating ma experienced ang katotohanan

"sabi pa nga to feel to hear to taste and smell and to see is ....to believe" gusto mong maranasan ang katotohanan para malaman na kung ito'y ay talagang umiiral


(at si isocrates na nagmahal sa karunungan at ikinalugod na sundin ang hamon na magpaka matay para mapatunayan at malaman ang katotohanan pagkatapos ng kamatayan.. pero paano niya pa mapapatunayan sa atin ang buhay pagkatapos ng kamatayan kung siya mismo ay hindi na umiiral sa mundo ..)

and again "we don't know what life after death" at  " ang mga bagay na nakikita natin ay siya lang malalaman natin" kaya madalas ang mga hindi umiiral sa physical na kaanyuan na nakikita sa mundo ay siyang madalas na kinakatakutan natin tulad ng "Ghost", spirits and other creatures" meron ngang mga haka haka pero walang matibay na ebidensya.


because we don't know what are there perspective or what they want, who they are and why? "


continuation on the next post kindly see the right side of your screen and read, click the topic in sequence to see my old and recent post ..thank you.

Lunes, Hunyo 22, 2015

Forevermore "Walang Forever! pero may Happy Ending"



may forever?
     Tumatak na sa ating mga puso at isipan ang napaka sensational na teleseryeng nagpakilig at nagpahanga  sa buong bayan maging ang mga tao sa ibat- ibang sulok ng mundo ay sinubay bayan ang kanilang kwento nina Maria Agnes Calay at  Alexander "Xander" Grande III o ang loveteam na kilala ngayon sa tawag na “LIZQUEN”

 " Forevermore" ika nga nila “may forever’ pero sa totoo lang in our existence in REALITY” there is no such thing as Forever in this World” hindi ako bitter pero mali bang sabihin ang totoo o hindi niyo lang matanggap na wala talaga?”

"Walang forever huwag kang tanga"

nakakatuwa hindi ba ang sabihan kang "Tanga" haha.. minsan na rin naman akong naging tanga pero hindi ako bobo minsan masarap magpaka tanga kasi" masarap ang bawal" at hindi mo pa matanggap ang katotohanan" katotohanang magpapalaya sa iyo"..pero hindi nga po "Wala talagang Forever!"

"we live then die" edi wala ngang forever! Tignan mo ang Realidad ng Isang Tao"Pinanganak ka at Mamamatay ka"so..no Infinite life!. .pero nagtataka ako marami sa ating mga Filipino ang gustong bumata at nagpapa bata meron nga iilan nagiging isip bata narin pero hindi ko lang matanggap yung mga taong ayaw tumanda at ayaw mamatay ang ilan nga umiinom pa ng kung ano-ano at kapag ininom mo iyon ay magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan. haynaku...oo sino ba naman sa atin ang ayaw mabuhay ng matagal? kung ako ang inyong tatanungin ang gusto ko lang ay ang mabuhay ng matiwasay at hindi mabuhay ng pang habang buhay "tanggapin mo lang na walang forever!"

dahilan lang ng karamihan, na kung bakit takot tayong mamatay ay dahil "we dont know what is life after Death" ikaw alam mo ba? may ibat-ibang paniniwala tayo, ako man ay hindi ko alam kung meron talagang heaven, purgatoryo or hell. kasi hindi pa ako patay at ayaw ko namang mamatay ng wala pang napapatunayan sa buhay,.


ang puno ay may buhay at ang dahon nito ay nalalagas. Namamatay o natutuyo ang mga ito kasi may panibagong dahon ang gustong lumitaw sa madaling salita "hindi susulpot ang panibagong Dahon hanggat hindi pa namamatay ang Dahon"  kung ganoon hanggat hindi tayo namamatay hindi natin alam ang buhay natin pagkatapos ng ating kamatayan. pero balik tayo sa discussion ng "walang Forever"..

The ring serves as our "Eternal Love"



 Sabi nga sa mga wedding vow 'To have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part..."


and the synonymous word of Forever is- (eternal, endless,no limit, no boundaries,infinite)
Yes, i actually do believe in forever just the word itself kaya nga nag e-exist yung word na yun diba'?, pero in reality wala po tayong forever, ayoko naman na forever mag aral at forever maghirap (hehe..) though masarap ang mag-aral kasi nga marami kang natutu-tunan. 

Nagkakaroon lang naman tayo ng tinatawag na forever siguro kapag nawala na yung kaibigan,kamag-anak o asawa mo sa mundo, yung physical na pangangatawan niya ay mawawala sa mundo pero yung "Diwa" na nagdudugtong sa inyo ang nagpapatunay na may Forever" kasi mawala man siya sa buhay mo nasa puso't isipan mo parin siya, minsan nga naalala mo yung presensiya niya sa sulok ng inyong bahay kung saan maraming memories ang naganap noong kasama mo pa siya"love is eternal and sacred" at asawa mo pa rin siya kahit mamatay man siya "til death do as part' nga diba' kahit sa ibang mundo asawa ka pa rin niya.
sabi nga "Death ends life but not Relationship" walang hanggan kang mag mamahal tandaan mo iyan matatagpuan mo pa rin siya gamit ang Diwa'

basta "As long as you Accept the dull miserable Reality of your Existence, the Happy you will be"

 At ang teleseryeng "forevermore" ay nagpapakita ng eternal love sa isat-isa nagkahiwalay man si Agnes at Xander pero naaalala pa rin nila ang isat isa ,iniisip pa rin nila ang bawat isa ,at isa lang parin ang kanilang nararamdaman nila sa isat-isa. edi mag isahan na lang tayo! puro na lang isat-isa ang sinasabi ko e ,ehe pasensiya na :) it means their heart and soul connects kahit nagkahiwalay sila, Destiny nga yata ang maging sila kaya ganon.

note: in the level of Physical there is No Forever
       but in the level of Beyond Physical -There is Forever
kaya nga may Death Anniversary- Ala ala 
paradox--->"parang meron pero parang wala"



Biyernes, Hunyo 19, 2015

Why are we looking for an Answer?


Why are we looking for an Answer?if it's Unexplainable
eh How can i explain it ,if it is Unexplained?!! (hahaha Kilusang Elfelicity el gaganess). pero seriously.....

Why are we seeking for an answer? kahit sabihin mo pang answerable kasi tulad ng mga tanong sa test paper natin..pero ultimo multiple choice na nga lang nangongopya ka pa sa katabi! (aba matinde?! nasa genes na natin yan loly hehe)
pero ang kadahilanan kung bakit po tayo ay nag hahanap ng sagot at nag tatanong ay dahil " tao po tayo' na may kakayahang mag reason out o mag isip at ang sabi ko nga "minsan ang pag iisip ay parang sumpa" kadahilanan para" hindi tayo makontento"

e pero minsan isip ka ng isip  pero alam mo naman talaga ang sagot at ang isasagot diyan sa katanungan mo! kasi nga una sa lahat...

1.Hindi ka makuntento hindi tayo mapalagay Gusto mong maka Relate, at Malaman ang Opinyon ng iba kahit alam mong tama na may sagot kana gusto mo parin kumuha ng opinyon ng isang experto! (edi wow! ok lang yan) basta tandaan mo kung alam mong tama, gawin mo! 
pero kung ang tanong ay may mga basehang research.. maybe yes don't just jump into a conclusion !

2.You are Blind and won't Listen to GOD! 

minsan nandyan na ang sagot pero ayaw mong tanggapin minsan kasi DAIG KA PA NG BULAG!dahil "ang bulag alam niya kung kailan siya bulag pero ang taong nakakakita hindi niya alam kung kailan siya bulag " gets mo pa ba?.. parang sagot lang din yan nasa harapan mo na pala pero hindi mo pa nakikita..

       Why do we get Blind? sometimes??.. baka madalas kamo!

madalas nandiyan na ang katotohanan pero ayaw natin itong tanggapin dahil "Truth may Hurts you so much"  tandaan mo lang na ang katotohanan ay" mapagpalaya "Truth Liberates!" bakit hindi mo na nga lang i-accept ang katotohanan para maging malaya?
pero...."bago ka palayain ng katotohanan sasaktan ka muna nito ng Bonggang-bongga!"

alam ko "nagtatanong tayo kasi gusto nating sumaya" at ang katotohanang inaasahan natin ay maaaring mahapdi kaya minsan uma asta tayong Bulag" pero tandaan mo always listen to God kapag hindi mo na alam ang gagawin mo, alam kong pupunta at punta ka sa kanya "prayer will Guide you"..manampalataya ka kahit hindi mo alam ang out comes that is the meaning of TRUST and love to God.

salamat po sa pagbabasa Godbless po. mag di-discuss ako about kung ano at papaano ang tunay na pananampalataya sa God ,next time.. sana natulungan ko rin kayo. sana napaliwanagan kahit maiksi lang ang pag post ko.

💚 ❤




"Who am I"Greatest Philosophical Question

"Who am I?"the Greatest Philosophical Question

            sino ka nga ba? "aba'y malay ko! hehe.

           ang sabi nga sa kanta ng  :    CASTING CROWNS  👑


                                                     Not because of who I am
                                                But because of what You've done.

                                                  Not because of what I've done

                                                   But because of who You are.

pero sino ka nga ba talaga? anak ng magulang mo?HAHA,anak ng dyos?OO! tama po!"
pero sino ka nga ba talaga sa mundong ito?" i mean ano at bakit nandirito ka sa mundong ibabaw? may tungkulin?may nakatakdang gagampanin? super hero? magliligtas ng sanlibutan? nakatakdang mangurakot sa bayan?o nakatakdang ipalaganap ang kagandahan?(tulad ko.ehe sorry elfeeler nga e)..kung ganon bakit nga ganon!? pero bakit nga!? ANO!?"

ehe makulit lang po talaga ako! at eto pa nga ang sabi sa kanta:

                                                    I am a flower quickly fading,
                                                   Here today and gone tomorrow.
                                                       A wave tossed in the ocean.
                                                           A vapor in the wind.
                                                  Still You hear me when I'm calling.
                                                 Lord, You catch me when I'm falling.
                                                      And You've told me who I am.
                                                                   I am Yours.

uy... kinanta niya hehe..kinanta mo?.....ng bahagya?tss. yun din yon!hhe.. sarap pakinggan ano po...
yes ang sabi nga sa kanta I AM YOURS which meant na tayo ay anak ng panginoon at sakanya nagmula ang lahat..(no further explanation about the song)..
pero ang sabi nga tayong mga tao nabubuhay at namamatay pero yun lamang ba ang rason ng lahat ng nilalang sa mundo? ang matutong mabuhay?, magkaroon ng saysay ang buhay? AT!..MAMATAY?
pasensya na po kung tanong ako ng tanong..pero ang alam ko lang po kahit sino man sa inyo walang nakaka alam at walang makakasagot kahit sabihin niyo pang DESTINY ang lahat" pero bakit nga? bakit tinadhana?
tanong sa panibagong tanong...tanong na inilalapit tayo sa katotohanan pero muli't muli ko pong sasabihin hindi po, o hindi pa po natin nararating ang kasagutan sa lahat! inilalapit lamang po tayo ng mga tanong na ito sa posibleng katotohanan"



ang sagot ko po  "WE STILL DONT KNOW WHY"only God knows Why
 kahit lumapit ka pa sa mga pilosopo at siyentista at natural na mga pilosopo! diyan sa lugar niyo..walang may alam!

Bakit walang may alam?

aba'y malay ko ulit..hehe

pero sa kadahilanang tao tayo at nag iisip ,kaya't naiisip din natin ang mga katanungang ito na kahit alam na nating walang makakapag sagot e tinatanong pa rin natin."kaya minsan parang sumpa ang kakayahang mag isip"bakit? kasi dahil dito hindi tayo natututong makuntento.

mga tanong kung bakit hindi tayo matutong makuntento ay nasa next post ko po J,y8


comment lang po.

Huwebes, Hunyo 18, 2015

Philosophy through Identity




IDENTITY "ID"


"Diskarteng malupit ni elfelicity/chinita"


(unedited)

   Sa isang larawan tulad ng nakikita niyo ngayon...pwede niyo ba ako o siyang idescribe?
tinanong ko ang isang bagong kaibigan ko na idinedeklara ko lang na kaibigan ehe..ipinakita ko sa kanya ang isang larawan o SELFIE ko,pati nga ID picture ko ang sabi ko sabihin mo lang ang kung ano sa tingin mo ay ako  diyan sa picture na iyan walang sabi sabing napatango siya ang sabi niya

" Maganda (which is true...joke!) pero di nga ang sabi niya" MAGANDA, CHINITA,"

"ano pa?"--ako.

"uhmm NAKA UNIFORM ehe"

"oo tama, sige ano pa?"--ako

"MAHABA ANG BUHOK"

(ehe yun lang? ay grabe to hindi man sinabi ang katangusan ng ilong ko at ang sexy kissable lips ko..ay loka loka lang talaga ako pag pasensiyahan na..elfeeler eh)

pero mula sa mga idiniscribe ng itinatalaga kong kaibigan lahat ng iyon ay pawang mga ADJECTIVES mga panlarawan sa tao at mga anyong pisikal na nakikita ng ating mga mata, ang mga sinabi niya'..

tinanong ko siya ulit"maari mo ba akong idiscribe ngayon? sa kung ano ang nakikita mo sa iyong harapan?"

"uhmm matangkad, mukha ka namang friendly" at may crush sa iyo ang sabi lang ng aking isip ehe yep ang kapal ko lang talaga he's a boy po (GWAPO!) so.. kanya kanyang diskarte lang po talaga! ehe

so ang sabi niya matangkad, bagay na nakikita niya ngayon "friendly daw"bagay na hinulaan lang niya gusto ko sanang sabihin na sa kanya lang ako friendly eh..

*tinanong ko ulit sobrang kapal ko po talaga! "uhmm..papayag ka bang magkalinlanan pa tayo? basehan sa ugali at hindi sa kaanyuan?" s*it! kilig kilig sa kakapalan to the max!*

nag blush lang siya ,,ay baliw ata to may crush din sa akin! (huli ka ngayon!) tinignan ko kasi siya nakipag eye to eye ako at siryoso pong nagtanong nun, nakaka anik anik po kasi mga mata ko hehe kung baga nanghihigop ng tao.chosa!
so ganito yan
wala ng kilig kilig muna e comment niyo na lang :)

ID as an IDENTITY



ang madalas makita sa mga ID ay pawang mga basic information lamang "may limit" date of birth, guardian , name, kasama na ang kaanyuan na nakikita.pero ang pilosopiya ay walang limita"o hindi limitado ang explanasyon" sa pag bibigay ng impormasyon.
tulad nga ng sinabi ko sa nauna kong post "malalim ang katotohanan at ganoon ang Pilosopiya"

kung mag tatanong ka sa siyensya or science may mga bagay na maaring masagot pero limitado o hanggang doon lang ang maibibigay na impormasyon tulad ng isang ID pero kung magkakalinlanan kayo mula sa ugali makikita mo na kahit ang pangit sa picture ay maganda pala sa personal dahil sa mga bagay na nagpapaganda rin rito tulad ng ugali ,gawa o nilalaman ng tao o kaibuturang puso'.

at ang ginawa ko mula doon sa kanina sa lalaki it seems that "it is easier to do than to define" to make you said that you are friendly "hindi ka mahuhusgahan na friendly ka talaga ng dahil sa picture lang .tama?" kung baga sa cover ng book mas kapaki pakinabang ang nilalaman nito"

sana i did make sense po... note:" may mahirap i-define may madali"



what is Philosophy and what does it means to philosophize

(unedited)
Ano ba ang Philosophy?
philo means Love and sophy means wisdom
kung mag se search sa isa sa mga isa sa mga Dictionary maaring ito ang definition na makukuha mo
it is the study of ideas about knowledge, truth, the nature and meaning of life, etc.
: a particular set of ideas about knowledge, truth, the nature and meaning of life, etc.
: a set of ideas about how to do something or how to live

"Ang philosopiya ay bagay na hindi nakikita ng mata, hindi ito nahahawakan at hindi ito nasususkat" 



What does it mean to philosophize?
       Simply means to think on what we are thinking and think again it’s an infinite cycle of our everyday life ng pagiging tao, (hindi lang yon)
Kaugaliaan ng lahat at nasa buhay kadahilanan na ng tao ang mag isip dahil humihingi tayo ng kasagutan sa mga bagay na hindi natin alam, o mga bagay na gusto nating malaman.
ang sabi nila o ang aking tanong ay bakit ba tayo nabubuhay at nabuhay sa mundo? May kadahilanan ba talaga? Andaming tanong hindi ba? E ikaw alam mo na ba kung bakit ka nabubuhay? Siguro may goals kana may kurso at pangarap  para ipagpatuloy ang kadahilanan ng iyong buhay. Think , is it really the reason why you meant to live in this world? Para mabuhay? Para matuto? Para maranasan ang pait na dinanas ng panginoon? Para  mapatunayan at masubaybayan  mo ang mga pag babago? Walang nakaka alam…tanging ang diyos lang ang nakaka alam

     Iyan!,iyang mga tanong na iyan ang  isa sa mga halimbawa ng mga bagay na maaring ma bigyan ng kadahilanan pero walang matibay kasagutan. Kung mag iisip tayo ng mag iisip  maaring lumalapit tayo sa katotohanan pero…hindi mo maabot ang kasagutan dahil may panibagong tanong ang lalabasgets mo pa ba? Iisa  lang…. ang mundo ay napakalalim parang isang bangin sa ilalim ng dagat, hindi mo alam kung hanggang saan ang lalim o kung may hangganan ba talaga ito?". ibang bangin ang sinasabi ko ito ay yaong hindi pa natutuklasan. Parang din itong pananaliksik sa katotohanan hindi mo alam kung may hangganan ba ang iyong pananaliksik o kung may tamang sagot ba talaga ang iyong mga katanungan.

      Maaring nagtataka kayo ang mga tanong na sinasabi ko ay yung mga tanong sa realidad ng tao, pero kung ibabase natin sa mga pag aaral at mga syantipiko maaring may proweba silang maiidedetalye kung paano pero ang tanong BAKIT? Tanong na nagtatanong sa kabuuan ng lahat,walang hanggang katanugan? Oh hindi ba may panibagong tanong nanaman ganyan po ang meaning ng PHILOSOPHIZE .walang hanggang pag aaral at pananliksik.. endless nga kung sabihin natin,. pero walang forever po! Mga kaibigan! sa ating realidad walang forever! Hindi ako bitter. Malalaman mo yan sa mga susunod na kabanata.. philosophynielfelicity

note: "as long as your thinking you're philosophizing"
kahit na ang isang autism o may sira sa ulo ay nag phiphilosophize kahit may diperensiya pa sila sa ulo 👍

halimbawa may nakita kang bago hindi mo lang pinansin o may narinig kang bagong kaalaman pero hindi mo lang pinagkalat ,lahat ng ito ay ginagamitan ng Pilosopiya upang iproseso sa utak!kasi nga may literal na may utak ang tao kahit sabihing mong hindi ka nagiisip! e paano mo nalamang hindi ka pala nag iisip ?hindi ba edi matinde?alam mo na? ehe 
J